Nakipagpulong ang mga inmate-supervisors sa National Bilibid Prison kay Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Gen. Gregorio Catapang Jr. ngayong araw para sa pagpapalit ng mga gwardiya sa Maximum Security Compound.
Ipinakilala niya si BuCor Sr. Inspector. Purificacion Hari bilang acting superintendent para sa Maximum Security compound sa Muntinlupa City.
Inihayag ni Catapang ang pagpapalit ng mga guwardiya sa pasilidad upang matugunan ang mga napaulat na iregularidad sa kulungan.
Kabilang na din aniya, ang mga isyu sa katiwalian sa loob ng bilangguan.
Ayon sa hepe ng BuCor, maaari ring magsampa ng reklamong administratibo at kriminal ang ahensya laban sa ilan sa mga na-relieve na tauhan na sangkot sa mga ilegal na gawain.
Sa ngayon, tinitiyak ng BuCor na maayos ang kalagayan ng mga inmates na nasa loob pati na ang mga nakatalagang opisyal doon sa New Bilibid Prison.