-- Advertisements --

Nagdeklara na ng nationwide alert ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa paggunita ng bansa sa nalalapit na araw ng mga patay o Undas.

Ayon kay Coast Guard Commandant
Vice Admiral Joel Garcia, tatagal ang nationwide alert hanggang bukas at hanggang ligtas na makabalik ang mga nagbakasyon sa mga lalawigan.

Kaugnay nito ay nagpakalat na ang PCG ng malasakit help desk na binubuo ng K9, Special Operations Group, safety inspectors, medical doctors, nurses at civil relation service personnel.

Ito ay para siguruhing ligtas at komportable ang paglalayag ng mga mananakau at maiwasan overcrowding at overloading sa mga sasakyang pandagat.

Naka-focus din aniya ang PCG sa maritime security front sa Southern Philippines laban sa mga grupong ISIS at Abu Sayyaf na maaaring manantala sa sitwasyon gaya ng pagdagsa ng biyahe ng mga tao.

Inaatasan din ang PCG na tiyaking ligtas ang mga transportation infrastructure, mga sasakyang pandagat, mga pantalan at mga tulay.

Sa panahon ng emergency sa lahat ng pantalan sa bansa, pinapayuhan ang publiko na tumawag o mag-text sa cellphone number na 09177243682.