ROXAS CITY – Isa ang patay matapos magkarambola ang tricycle at motorsiklo sa Barangay Sta. Fe, Pilar, Capiz.

Kinilala ang nasawi na si Maria Belen Balasa, 36-anyos ng Tanza, Estancia, Iloilo, anim na buwang buntis.

Sugatan naman ang dalawang driver ng motorsiklo na sina Dennis Ryan Decon ng Enseñagan, Panit-an, Capiz, at Elmer Tabuado na kapwa nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Batay sa inisyal na impormasyon ng pulisya, pauwi na si Balasa at ang live-in partner na si Gino Ignacio sakay ng tricycle nang mawalan ng kontrol ang driver at aksidenteng nabangga ang motorsiklo na minamaneho ni Decon.

Malas na may nakasalubong na isa pang motorsiklo ang biktima na naging dahilan ng pagbaliktad ng tricycle na sinasakyan ni Balasa.

Kaagad na dinala sa ospital sina Decon at Tabuado para magamot ang kanilang mga sugat.