-- Advertisements --

NAGA CITY- Hindi naman aniya nag-aral sa law ang bumubuo ng anti-terrorism council.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Ricky Tomotorgo, isang professor sa Ateneo de Naga University, sinabi nito na ito ang nakikita niyang problema sa naturang panukala.

Ayon pa dito, ang priority dapat ngayon ng pamahalaan ay ang nararanasang krisis ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi pa nito na tila hindi nakikita ng administrasyon ang tunay na kalalagayan ng mamamayang Pilipino.

Una rito, sinabi pa ni Tomotorgo na ang naturang bill isang nakakabahala na hakbang ng pamahalaan para sa mga mamamayan.

Samantala, binigyang diin pa nito na hindi ito ang tamang panahon para sa naturang bill na isinusulong sa kongreso.