-- Advertisements --
image 295

Patuloy pa rin ang pagpapakita ng Bulkang Mayon ng intensified at magmatic unrest sa nakalipas na 24 oras ayon sa the Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Nakapagtala rin ang naturang bulkan ng aabot sa 265 rockfall events at mabagal na pagdaloy ng lava mula sa bunganga ng naturang bulkan.

Wala namang naitalang volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras bagamat nagkaroon ng ito ng limang pyroclastic density current events.

Ayon sa PHIVOLCS , ang mabagal na pagdaloy ng lava ay may habang umabot sa 1.5 kilometer.

Sinabi pa ng ahensya, ang pagbagsak ng lava sa Mi-isi at Bonga Gullies ay nasa loob naman ng 3.3 kilometro mula sa bunganga bulkan.

Sa kabuuan, ang Bulkang Mayon ay nagbuga ng 889 toneladang sulfur dioxide noong Linggo.

Mas mababa naman ito ng 1,004 na tonelada na ibinuga ng bulkan noong Sabado.