Nakaalerto ngayon ang mga awtoridad sa Albay matapos bumuga ng makapal na usok ang Bulkang Mayon Linggo ng hapon.
Sinabi ni Albay Gov. Grex Lagman na ayon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office, ang naturang insidente ay hindi dapat magdulot ng anumang alalahanin sa ngayon.
“I have talked with our APSEMO head Dr. Cedric Daep. He report to me that it’s just white steam. No cause for concern. Same assessment ng Phivolcs,” ani Lagman.
Ayon naman kay Phivolcs resident volcanologist Dr. Paul Alanis, nangyari ang insidente sa pagitan ng 4:37 p.m. at 4:40 p.m. Linggo. Umabot sa 1,200 metro ang Ash fall.
Dagdag pa ni Alanis, may posibilidad na magkaroon ng ashfall sa mga bayan ng Daraga, Albay, Camalig at Guinobatan.
Ang Mayon ay kasalukuyang nasa Alert Level 2 ayon sa Phivolcs.