-- Advertisements --

Siniguro ng pamunuan ng Department of Agriculture na may sapat na buffer stock ng bigas ang bansa.

Ang nasabing stock ay maaari umanong magtaga pa sa loob ng 39 na araw, sa likod ng labis na pinsalang inabot ng Sektor ng Pagsasaka mula sa sunod-sunod na kalamidad.

Ayon kay DA Undersecretary Mercedita Sombilla, nakabuo na ito ng mga sistema upang mapataas pa lalo ang rice production sa buong bansa.

Inaasahan din aniyang mas malaking produksyon pa ang matutunghayan sa Buwan ng Setyembre at Oktubre ng kasalukuyang taon.

Maliban pa ito sa imported rice na isa rin sa mga nagpupuno sa buffer stock ng bansa.

Sa ngayon aniya ay plano ng DA na mag-angkat ng hanggang 1.3 milyong metriko tonelada ng bigas mula sa ibang bansa.