Nasa P14 billion ang inilabas ng Department of Budget and Management para sa pension Ng mga military retirees.
Ang higit labing apat na bilyong pisong budget para sa mga retiradong opisyal at kawani Ng AFP at Defense Department ay Special Allotment Release Order (SARO) ng Mula January Hanggang March 2023.
Ayon Kay Budget Chief Amennah Pangandaman , Ang paglalabas Ng pondo para sa pension Ng mga military retirees ay bahagi Ng inisyatibo Ng pamahalaan upang kilalanin Ang kanilang naging mahalagang papel para matiyak ang seguridad Ng bansa.
Ang pondo Sabi ni Pangandaman ay huhugutin sa Pension and Gratuity Fund (PGF) na nasa ilalim Ng 2023 General Appropriations Act.
Base Naman sa AFP payroll records as of December 31, 2022, napag-alamang may 137,649 pensioners Ang masasaklaw Ng monthly pension requirement para sa first quarter ng 2023.