-- Advertisements --
image 648

Lumaki ang budget deficit ng pamahalaan sa P133 bilyon noong Agosto mula sa P72 bilyon noong nakaraang taon dahil sa mas mababang kita at mas mataas na paggasta ng bansa.

Sinabi ni DOF Secretary Benjamin Diokno na ang budget deficit ay mas mataas ng 84.63 percent year-on-year.

Aniya, ito ay dahil sa 6.6 percent contraction sa government receipts kasabay ng 10-percent growth sa expenditures.

Ang kabuuang revenues para sa Agosto ay umabot sa P310.6 bilyon, bumaba ng 6.6 porsyento mula sa P332.4 bilyon sa parehong buwan noong nakaraang taon dahil ang parehong mga tax at non-tax revenues ay bumagal.

Ang kabuuang revenue collection para sa Enero hanggang Agosto ngayong taon gayunpaman, ay tumaas ng 9.03 porsiyento sa P2.58 trilyon.

Sa panig naman ng paggasta o expenditure ng bansa, sinabi ni Diokno na lumaki ng 9.7 percent ang gastusin ng pamahalaan noong Agosto, na umabot sa P443.6 bilyon.