-- Advertisements --

Bahagyang lumobo ang budget deficit ng Pilipinas sa P106.4 billion sa Pebrero mula sa P105.8 billion sa kaparehong period noong 2022 dahil sa bahagyang pagbaba sa nakokolektang revenue ayon sa Bureau of Treasury (BTr).

Nagkakaroon ng tinatawag na budget deficit kapag mas malaki ang gastos ng gobyerno sa isang taon kumpara sa nakokolektang revenue gaya ng mga buwis.

Dahilan kayat pumalo sa P60.5 billion ang budget gap noong katapusan ng Pebrero o katumbas ng 53.07%.

Ayon sa ulat ng ahensiya, pumalo sa P211.9 billion noong Pebrero ang nakolektang revenue, mas mababa ito ng 0.25% mula sa nakalipas na taon dahil sa 3.01% na pagbaba sa tax revenues.