Nagpaliwanag ang Bureau of Corrections (BuCor) matapos punahin ng Commission on Audit (COA) ang mababa umanong kalidad ng pinili nitong catering service noong nakaraang taon para sa inmates ng mga kulungan sa bansa.
Ayon sa BuCor, napadalhan na nila ng Notices to Terminate ang Aurora F. Sumulong Eatery at V & J Trading matapos mabatid ng COA na hindi pasado sa panuntunan ng Food Subsistence Agreement ang mga ito.
Batay sa ulat ng COA, bukod sa walang sanitary permit t pest treatment certification, wala ring food compliance officer at health certificate ang mga nagluluto.
Kaugnay nito, inirekomenda ng state auditors na atas ng BuCor ang mga opisyal ng New Bilibid Prison at Correctional Institute for Women na imbestigahan ang performance ng dalawang catering service.