-- Advertisements --

Handa umanong makipag-cooperate ang Bureau of Corrections (BuCor) sakaling magsagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring riot sa NBP na ikinamatay ng siyam ng person’s deprived of iberty (PDLs) sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Una nang ipinag-utos ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa National Bureau of Immigration (NBI) ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring riot sa loob ng pambansang piitan.

Sa isang statement, sinabi ng BuCor na mananatili ang prinsipyo ng kooperasyon at pagtutulungan sa pagitan ng dalawang ahensya.

Inatasan na umano ni Director General Gerald Bantag ang BuCor na maging transparent at ilahad ang katotohanan sa publiko kaugnay sa tunay na pangyayari sa loob ng Maximum Security Compound.

Ito’y upang mas mapaigting din ang monitoring system at operational procedures ng ahensiya.

Pinasalamatan naman nito si Guevarra dahil sa patuloy na suporta at gabay sa mga mahahalagang isyu gaya ng insidente.

Una rito, sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay BuCor Spokesperson Col. Gabriel Chaclag, sinabi nitong nakahanda silang makipagtulungan sa mga magsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring riot.

Aniya, sa isinagawa nilang clearing operation pagkatapos ng kaguluhan ay marami silang mga narekober na mga ebidensiyang puwedeng gamitin sa imbestigasyon.