-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Mas maraming dapat ipaliwanag kaysa i-deny si Bureau of Corrections (BuCor) director-general Gerald Bantag kaugnay sa kaso ng pagpaslang sa batikang radio commentator na si Percival Mabasa o mas kilala sa tawag na Percy Lapid.

Ito ang paniniwala ni Roy Mabasa, kapatid ni Percy kasunod ng isinagawang press conference noong Sabado sa lalawigan ng Aklan.

Aniya, kung patuloy na tumanggi si Bantag ay lalo pa siyang madidiin sa kaso.

Ilan umano sa mga dapat nitong ipaliwanag ay kung paanong nakapasok sa pasilidad ang mga matatalim na bagay, baril, cellphone, wifi at iligal na droga.

Ngayong araw ay nakatakdang sampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) ang 13 persons of interests na may kaugnayan sa pagpatay sa Lapid at sa itinuturong middleman na si Cristito “Jun Villamor” Palaña.

Sa katunayan aniya na isa pang person of interest ang nasa kustodiya ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na ibinayahe mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, Palawan.