-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Milwaukee Bucks upang umusad na sa 2nd round ng NBA playoffs matapos na talunin na naman sa ikatlong pagkakataon ang mahigpit na karibal na Miami Heat sa score na 113-84.

Kung maaalala misyon ng Bucks na idispatsa ang Miami dahil noong nakaraang taon nasilat sila sa playoffs.

Sa pagkakataong ito hindi na nagpabaya ang mga Bucks player na sina Khris Middleton na may 22 points, Jrue Holiday na nagdagdag ng 19 points at 12 assists at ang MVP na si Giannis Antetokounmpo ay nagtapos sa 17 points at 17 rebounds.

Maaring tapusin na nga Bucks ang serye sa Linggo at tuluyan silang umabante sa Eastern semifinals.