Ilulunsad na bukas ng kampo at mga ka-alyado ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang bagong bloc o grupo na kanilang bubuuin sa Kongreso.

Kasama sa naturang bloc sina Camarines Sur. Rep. Lray Villafuerte, Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Ranie Abu, Anakalusugan Rep. Mike Defensor, Bulacan Rep. Kuya Sy-Alvarado, at Capiz Rep. Fred Castro.

Bawat myembro ng grupo ay nagkaroon na ng posisyon sa House of Representatives sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano bago sila tuluyang tanggalin ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Ang “BTS sa Kongreso” ay ipinangalan sa sikat na South Korean boy band na ang ibig sabihin ay “Bangtan Sonyeondan” o “Bulletproof Boy Scouts.”