-- Advertisements --

Dumepensa ang Kamara sa naging puna ni Senator Alan Peter Cayetano sa mga humikayat na simulan na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Partikular na inalmahan ng mambabatas ang umano’y hindi pag-aksyon ng Kamara nang maghain si Duterte Youth Chairperson Ronald Cardema ng impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos na hindi natanggap ng Office of the House Secretary General.

Nilinawni House Spokesperson, Attorney Princess Abante, na hindi naman natuloy ang paghahain ni Cardema.

Giit pa ni Abante, pinababalik ni House Secretary General Reginald Velasco si Cardema dahil batay sa Saligang Batas ay kailangang tanggapin ito ni Velasco at sumumpa sa harap niya para maging verified complaint ito.
Sa ngayon aniya ay wala pa ring natatanggap si Velasco ng reklamo laban sa Pangulo.

Matatandaang May 8 ng inihain ang naturang complaint pero sarado ang House Secretary General Office dahil sa seminar na dinaluhan ng mga taga-OSG.