Isang sorpresa ang inihandog ni Jin sa kanyang “RunSeokjin EP Tour” encore concert sa Incheon Munhak Main Stadium nang isama niya sa entablado sina J-Hope at Jungkook.
Nagpakilig ang tatlong miyembro ng BTS sa mga ARMYs sa pamamagitan ng kanilang solo performances at mga paboritong BTS classics gaya ng “My Universe,” “IDOL,” at “So What.”
Sa masayang bahagi ng pagtatanghal, nagsilbing backup dancers sina J-Hope at Jungkook sa hit song ni Jin na “Super Tuna.”
Ito ang unang pagkakataon na muling nagsama-sama sa entablado ang tatlo matapos ang kanilang military service.
Lahat ng miyembro ng BTS ay nakatapos na ng serbisyo ngayong taon at inaasahang magbabalik bilang isang buong grupo sa 2026.
Ang mini-reunion ay naging emosyonal na paalala ng matibay na samahan ng BTS at pagmamahal nila sa kanilang fans.















