-- Advertisements --

Mabilis na nakahakot ng followers sa Instagram si BTS member na si Jungkook.

Mula ng ianunsiyo niya ang bagong personal account sa IG ay nakakuha agad ito ng 6.5 milyon sa loob lamang ng isang araw.

Unang inilunsad ni Jungkook ang kaniyang personal IG account noong Disyembre 2021 kugn saan umabot sa mahigit 50 milyon ang followers.

Subalit pagdating ng taong 2023 ay kaniya itong binura dahil hindi na umano nito nagagamit.

Magugunitang noong Hunyo 11 ng makumpleto niya ang kaniyang military service kung saan sa 2026 ay nagpaplano ang BTS ng kanilang reunion tour.