-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan si BTS member Jungkook matapos na magtala ng 100 milyon streams sa bawat kanta nito sa Spotify.

Ayon sa World Music Awards na siya ang unang Asian solo artist na nagtala ng nasabing record.

Sa kabuuang 47 na kanta sa kaniyang Spotify account ay 18 dito ay mga orihinal kabilang ang mga remixes.

Kasama sa listahan na mayroong 100 milyon streams sa bawat kanta sina Billie Eilish at Harry Styles.

Ang pinakamaraming kanta ni Jungkook ay ang “Seven” na mayroong 2.4 bilyon streams ito.