-- Advertisements --

Sisimulan na ni Korean group na BTS na si Jin ang military service.

Nasa batas kasi ng South Korea na ang mga mamamayan nilang kalalakihan na nasa edad 30 pababa ay dapat magsili sa military ng dalawang taon.

Magsisimula ang kaniyang training sa Disyembre 13.

Sasailalim muna siya sa mandatory limang linggong training sa Yeoncheon sa Gyeonggi province bago italaga sa bilang “Frontline Unit”.

Sa kaniyang social media account ay labis itong nagulat dahil sa itatalaga ito bilang isa sa mga frontline.

Itinuturing ng South Korea government na nagdadala ng malaking pera ang BTS dahil sa sila ang tinatangkilik ng milyong fans sa buong mundo.

Una ng sinabi ng defense minister ng Seoul na maaring papayagan nila ang BTS na magtanghal ng mga concert kahit nasa military duties.