-- Advertisements --
Sinimulan na ni BTS member na si Jin ang kaniyang mandatory military service.
Mananatili ang 30-anyos na si Jin sa South Korea army training sa northern Gyeonggi province ng hanggang 18 buwan.
Kahit na mahigpit ang ipinatupad na seguridad sa lugar ay pumunta pa rin ang mga fans ng grupo para masulyapan ang kanilang iniidolo.
Kasama nito ang magulang niya na naghatid sa kampo ng sundalo.
Nasa batas kasi ng South Korea na dapat manilbihan sa military ang mga kalalakihan na may edad 28.
Sa bagong batas na ipinasa ng mga mambabatas noong 2020 na pagbibigyan nilang makapasok sa mandatory training sa edad na 30 ang mga kalalakihan na sumikat sa kanilg art and culture.
Sasailalim si Jin ng limang linggong basic training bago maitalaga sa isang unit.