-- Advertisements --
Susubukan daw ng Bango Sentral ng Pilipinas (BSP) na silipin muli ang kanilang computation sa epekto ng novel coronavirus disease (COVID-19) sa ekonomiya ng Pilipinas.
Aminado si BSP governor Benjamin Diokno na mali ang pinagbasehan ng kanilang tanggapan sa unang kalkulasyon dahi inihanay nila ito sa SARS epidemic noong 2003.
“This is not SARS… This is slightly worse than earlier assumptions. And China is much much bigger now,” ani Diokno.
Batay sa inisyal na computation ng central bank, tinatayang 0.2-percent ang matatapyas sa gross domestic product (GDP) ng bansa unang quarter ng taon.
Posible pa raw na lumobo ng 0.4-percent sa second quarter, na maaaring mag-resulta sa 0.3-percent decrease sa kabuuang GDP ng taon.