-- Advertisements --
image 367

Pinanatili ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang policy rate sa ikalawang sunod na pagpupulong nito.

Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, nananatili ang key rate nito sa 5.75% para sa overnight deposit facility, 6.25% para sa overnight borrowing facility at 6.75% naman para sa overnight lending facility.

Ito ay dahil inaasahan ng central bank na ang inflation rate ay babagal sa 5.4% ngayong taon, mas mababa kumpara sa 5.5% na projection noong nakaraang pagpupulong ng Board noong Mayo.

Bunsod na rin ito ng pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain at mga prosuktong petrolyo sa nakalipas na buwan.