-- Advertisements --
Patuloy ang panghihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na gumamit ng mga digital payments kanilang transactions.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr na may mga bangko na silang kinausap para pagbabaan ang transfer fee.
May ilang bangko na rin kasi sa bansa ang pumayag na gawing libre ang mga transaction na mayroong 1,000 pababa.
Lahat aniya ng mga bangko na sisingil ng fund transfer services ay kailangang humingi ng approval sa BSP.
Hindi aniya humihinto ang BSP na makipag-ugnayan sa mga bangko para mapababa o gawing libre na ang lahat ng mga transaction fee ng lalong makahikayat sila ng mas maraming gagamit ng digital transactions.