-- Advertisements --
Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang pag-digitize ng mga microfinance institutions ay lalong makaka-enganyo ng mas maraming kliyente.
Sinaib ni BSP Governor Eli Remolona Jr , na tiyak na bukod sa darami ang mga Filipino na magkakainterest ay magiging maganda pa ang serbisyo nito.
Dagdag pa nito na ang digitalization ay nagsisilbing tulay sa mga hindi naaabot ng mga formal financial services.
Karamihan kasi ng mga kliyente ng microfinances ay ang mga maliliit ng negosyante, microbusiness owners, low-income households, informal sector workers, agricultural workers at iba pa.