-- Advertisements --

Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na maaaring maglalaro lamang mula 2.8 percent hanggang 3.6 percent ang inflation rate nitong Enero.

Ang nasabing prediction ng BSP ay bahagyang mas mababa sa 3.9 percent inflation na naitala noong Disyembre 2023.

Ilan sa mga naging dahilan ng pagbaba ng inflation ay ang paghina ng peso at ang pagtaas ng presyo ng mga agricultural products, petroleum, kuryente at tubig.

Inihalimbawa nito ay nitong Enero lamang ay nagpatupad ng lingguhang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Maging ang ilang electric at water concessionaires ay nagtaas na rin ng singil.