Nagbigay nang panuntunan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para muling makabalik sa operasyon ang social media platform na Lyka.
Ayon sa BSP, dapat mismo ang Lyka ang magrehistro bilang Operator of Payment System (OPS) imbes na ang marketing arm nito na Digital Spring Marketing and Advertising Inc.
Dagdag pa ng BSP na kanilang pinanindigan ang cease and desist order na kanilang ipinalabas laban sa Digital Spring noon pang Hulyo 23, 2021 na dapat mismo ang Lyka/TIL at hindi Digital Spring ang magrehistro bilang OPS sa BSP.
Kapag nakapagrehistro na aniya ang Lyka ay maari na nilang tanggalin ang epektibo ng CDO.
Inihalimbawa ni BSP Deputy Governor Mert Tangonan na isang piloto ang OPS na siyang personal na magkakaroon ng lisensiya para patunayan ang galing nito sa pagpalipad ng isang eroplano.
Magugunitang ang Lyka ay ginagamit ng mga users nito para magbigay ng gift cards sa pamamagitan ng electronic modes o GEMS bilang pambayad o pambili.