-- Advertisements --

Nakatakdang higpitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang implementasyon ng panuntunan sa virtual asset o cryptocurrency transfers na ikinokonsidera bilang cross-border wire transfers.

Ito ang naging laman ng Memorandum 2023-042 na naglilinaw sa implementasyon ng Philippine travel rule para sa virtual asset service providers (VASPs).

Ang nasabing paglilinaw ay epektibo lamang na limitado sa P50,000 na transactions.

Una ng ipinag-utos ng Paris-based Financial Action Task Force (FATF) ang Pilipinas na maglabas ng panuntunan sa travel rules ng virtual assets service providers para mapigilan ang mga terorista at ilang mga kriminal na magkaroon ng access at magsagawa ng fund transfers.