-- Advertisements --

Naglabas ng panibagong abiso ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko laban sa fruadulent activities gaya ng smishing o phishing scams sa pamamagitan ng text mesages na naghihikayat sa mga users na i-click ang isang malicious link.

Nagbabala ang BSP na ang links na ipinapadala gamit ang text messages ay maaaring awtomatikong ma-download ang malware at ma-redirect sa websites para mangolekta ng impormasyon na magagamit para sa fraud.

Para mapigilan ito, payo ng BSP sa publiko na salahing mabuti ang mga natatanggap na text messgaes para maiwasang ma-click ang ipinadalang links kahit na ito ay galing pa sa bangko, e-money issuers o kilalang mga kompaniya o brands para na rin maprotektahan ang kanilang personal information.

Iginiit din ng BSP na ang legitimate financial institutions ay hindi hihingi ng personal details at account credentials mula sa kanilang customers sa pamamagitan ng text messgaes o pagpapadala ng links sa mga website.

Una rito, nasa milyun-milyong smishing messagaes ang nablocked ng local telecommunications firms na nagpapanggap na mula sa legitimate organizations para makakuha ng personal information noong Hulyo.