-- Advertisements --

Sinimulan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pamamahagi ng software solution sa ilang mga BSP-supervised entities para hindi sila mabiktima ng cybersecurity attack.

Ang Advanced SupTech Engine for Risk-Based Compliance or ASTERisC ay isang sisteme ng unified regulatory at supervisory technology solutuion.

Ayon sa BSP na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga iba’t-ibang banking institutions at ahensiya para matugunan ang anumang banta at panganib ng cyberattacks.

Paraan din ito ng BSP para mas lalong maging ligtas ang isinusulong nilang digitalization sa mga banking industry.