-- Advertisements --
Plano ng Bangko Sentral ng Pilipinas na luwagan ang kanilang panuntunan sa foreign exchange transactions.
Layon ng nasabing hakbang ay para maka-enganyo ng mas maraming mga foreign investments.
Sa draft circular ng BSP, nakasaad dito ang pagtanggal na ng singil sa mga registration of foreign, currency loans , inward investments at ilang mga foreign exchange transactions.
Papayagan rin ng BSP ang pagbenta ng mga foreign exchange ng mga otorisadong agent banks kahit wala ng approvals mula sa kanila.
Ganun din ay papayagan na rin ang mga otorized agent banks na magbenta ng mga foreign exchange sa mga non-resident tourists at balikbayan na nagpapatunay na ito ay naibenta sa halaga ng pesos ng non-residents sa bangko.