-- Advertisements --

Maglulunsad ng imbestigasyon ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa naging krisis sa elektrisidad sa lalawigan ng Sigquijoir matapos ang naging malawakang blackout sa probinsya.

Sa isang pahayag, inihayag ng ERC na inatasan na nila ang Province of Siquijor Electric Cooperative Inc. (PROSIELCO), S.I Power Corporation (SIPCOR) at maging ang National Power Corporation (NPC) na magsagawa ng mga pagiimbestiga at maghanda ng mga sapat na eksplenasyon sa nakatakdang public hearing sa Hulyo 3.

Ayon sa komisyon, inaral na nila ang naging pagtugon ng PROSIELO at ng SIPCOR sa naging Power Supply Agreements (PSA’s) na mayroong 9.5 megawatts (MW) kung saan inihayag ng ERC na ito ay spaat para matugunan ang demand sa elekstrisidad sa Siquijor.

Samantala, ayon pa sa ERC, ang pagsasagawa ng imbestigasyon ay dahil sa natanggap nilang mga ulat hinggil sa madalas at halos ilang oras na power outages sa ilang bahagi ng Siquijor na siyang pangunahing dahilan kung bakit halos makompormiso at maantala ang mga economic activitues sa lugar.

Nauna naman na dito ay idineklara na nasa state of calamity na ang buong lalawigan ng Siquijor dahil sa patuloy na lumalang krisis sa lugar.