-- Advertisements --

Nagbigay-pugay si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga ama ng sambayanang Pilipino, at kinilala ang kanilang mahalagang papel bilang haligi ng ating mga pamilya at puso ng ating mga komunidad.

Sa mensahe sa pagdiriwang ng Father’s Day ngayong Linggo, sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga amang Pilipino ay tahimik na mga bayani na araw-araw bumabangon upang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang mga anak.

“As a father, I know the deep responsibility that comes with that role. I understand the long days, the sleepless nights, and the unwavering hope we carry for our families. I have felt the joy of small moments with my children and the worry that comes with every challenge they face,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Nagbalik-tanaw rin si Speaker Romualdez sa naging impluwensya ng kanyang ama, na aniya’y patuloy na nagsisilbing gabay sa kanyang paglilingkod sa bayan.

Ipinaabot din niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ama maging nasa bansa o nagtatrabaho sa ibayong dagat para sa kanilang walang sawang sakripisyo at pagmamahal.