-- Advertisements --

Humiling ang Department of Justice sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na ibahagi nito ang mga kopya ng ‘CCTV footages’ noong nakaraang linggo kasabay sa mga kaganapan nangyari sa Senado, lungsod ng Pasay.

Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, partikular na kanilang hiniling ay mga kopya lalo na noong ika-14 ng Mayo, kasunod nang umalis si Sen. Bato sa Senado ng alas-dos ng madaling araw.

Kaugnay nito’y nakatakdang bisitahin ng binuong ‘Special Panel of Prosecutors’ ang Senado upang pisikal na inspeksyunin ang lugar kung saan naganap ang insidente ng putukan.

Ang naturang grupo kasi ay ang siyang inilunsad ng DOJ para tutukan ang imbestigasyon sa mga pangyayari kamakailan sa Senado.

Ibinahagi pa ng kalihim ang pagkakatanggap sa ‘report’ ng National Bureau of Investigation, at Government Service Insurance System (GSIS).

Habang humiling naman ng karagdagang panahon ang Philippine National Police sa pagsusumite ng ulat dahil sa patuloy pang pagkolekta ng mga dokumento.