-- Advertisements --

Hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na gumamit ng mga barya.

Sa advisory ng BSP, na nais nilang patuloy ang sirkulasyon ng mga barya sa ating bansa.

Ayon pa sa BSP na ang mahinang sirkulasyon ng mga bansa ay magdudulot ng artipisyal na kakulangan nito sa isang lugar.

Nakasaad sa kanilang BSP Circular 537 series of 2006 na maaaring pambayad ang P1, P5 at P10 coins sa halagang hindi lalagpas ng P1,000 habang ang P0.25 centavo coins at mga lower denominations ay maaaring pambayad sa mga bilihin na hindi na lalagpas ng P100.