-- Advertisements --

Pinawi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno kung humina ang peso kontra dolyar.

Sinabi ni Diokno na hindi porket malakas ang dolyar ay mahina na aniya ang ekonomiya.

Kung ikukumpara sa ibang bansa ay nasa gitna pa rin ang Pilipinas kung ang pag-uusapan ang ekonomiya sa Asya.

Matatawag aniya itong pabor ito sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) dahil sa tuamataas ang padala nila.

Hindi pa umabot sa naranasang krisis noon na naubusan ang bansa ng dolyar dahil sa pambayad ito ng mga utang.

Sa pinakahuling palitan kasi ay mayroong P54.47 ang katumbas ng isang dolyar.