-- Advertisements --

Itinanggi ng beteranong actor na si Bruce Willis na ibinenta niya ang rights ng kaniyang mukha.

Kasunod ito sa paglabas ng usapin na ibinenta nito ang kaniyang mukha sa deepfake company na Deepcake.

Paliwanag ng tagapagsalita nito na walang anumang pinasok na kontrata ang actor sa kumpanya.

Ang nasabing kumpanya ay gumagamit ng mukha ng mga artista at idinidikit ito sa katawan ng isang tao para gawing memes.

Magugunitang nitong Marso ay inanunsiyo ng actor na ito ay magreretiro na sa pag-acting matapos na ma-diagnosed ng aphasia isang disorder na apektado ang pagsasalita.