-- Advertisements --

malampaya4

Nagsagawa ng maritime and sovereignty patrol ang brandnew missile guided frigate ng Philippine Navy ang BRP Antonio Luna (FF-151) sa Malampaya gas field sa Palawan.
Ito ay bahagi ng suporta ng AFP sa national development at ang kanilang mandato na pangalagaan at protekrahan ang maritime interest ng bansa.

Kasama sa isinagawang pagpapatrulya ng frigate ang mismong Commander ng Joint Task Force Malampaya si BGen. Robert Velasco.

Ayon sa pamunuan ng BRP Antonio Luna, mahalaga na maprotektahan ang mga critical infrastructures sa West Phl Sea gaya ng Malampaya gas field na malaki ang ambag sa ekonomiya ng bansa.

Malampaya5

Ang Malampaya gas field o ang Malampaya-Camago field ay isang deepwater gas-condensate reservoir na matatagpuan 65 km northwest ng Palawan.

Ito ay isang joint undertaking ng Shell Philippines Exploration B.V. (Shell-operated), Chevron, at Philippine National Oil Corporation-Exploration Corporation.

Simula ng mag-operate ang Malampaya Project nuong January 2002, nakapag contribute na ito ng mahigit USD$12 billion revenue sa Philippine government.

Nagsu-supply din ang Malampaya ng natural gas sa limang power plants sa Luzon.

Ayon kay JTF Malampaya Commander BGen.Roberto Velasco malaking tulong ang ginawang pagpapatrulya ng frigate sa lugar kahit hindi naman nagagawi duon ang mga barko ng China.

Sinabi pa ni Velasco na wala din silang natatanggap na ulat na hinaharass ng mga barko ng China ang nasabing lugar.

malampaya2

Idineploy ng Philippine Navy ang BRP Antonio Luna sa West Phl Sea nuong June 10, misyon nito na protektahan ang maritime interest and sovereignty ng bansa sa kabila ng pagiging agresibo ng China sa nasabing rehiyon.

Umalma kasi ang Pilipinas dahil sa mga namataang daan-daang Chinese militia vessels na naka-angkla sa Julian Felipe Reef at sa iba pang mga bahura.