-- Advertisements --
Patuloy ang pagbuti ng kalusugan ni Bronny James ang panganay na anak ni NBA superstar LeBron James.
Kasunod ito sa pagka-cardiac arrest ni James habang ito ay nag-eensayo noong nakaraang halos tatlong buwan na ang nakakaraan.
Sinabi ni Southern California basketball coach Andy Enfield na hahayaan na lamang ang pamilya James na magbigay ng karagdgang updates sa kalusugan ng nakakabatang James.
Magugunitang na-cardiac arrest ang 18-anyos na si Bronny noong Hulyo 24 habang nagsasagawa ng ensayo para sa dalawang linggong European tour.