NAGA CITY- Problema sa pag-ibig ang itinuturong dahilan sa pagpapakamatay ng isang 14-anyos sa Barangay San Esteban, Nabua, Camarines Sur.

Sa panayan ng Bombo Radyo Naga kay Pol. Maj. Chester Pomar, hepe ng PNP Nabua, sinabi nitong base sa kanilang inisyal na imbestogasyon, dinamdam ng binatilyo ang paghihiwalay nila ng kasintahan nito.

Narinig na umano ng pamilya ang naturang kwento ngunit hindi inakala ng mga ito na mauuwi ang insidente sa pagpapakamatay ng biktima.

Napag-alamang naglasing mula ang biktima hanggang sa nadiskobre na lamang ang katawan nito na nakabitin na sa loob ng kanilang bahay gamit ang pangtali sa duyan.