Labis na pinasalamatan ni dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go si El Shaddai leader Bro. Mike Velarde dahil sa pag-eendorso nito sa kanya.

Sinabi ni Go, susuklian niya ng tapat na serbisyo ang pagsuporta sa kanya ni Bro. Mike dahil sa paniniwalang ang totoong serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.

Sa kanyang pagsasalita sa El Shaddai prayer meeting, inihayag ni Go na sinuportahan din ng grupo na mayroong mahigit anim na milyong miyembro si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential elections.

Ipinaliwanag naman ni Bro. Mike na pinipili nila ang kanilang ini-endorso batay sa mga malalapit sa kanila hindi lang sa panahon ng kampanya kundi sa lahat ng pagkakataon.