Tiniyak ni Britney Spears na ito ay agad na babalik sa pagkakanta kapag natapos na ang kaniyang pagpapagamot sa mental health facility.

Britney Spears/IG post

Sa kainiyang Instagram account nagpost ito ng video at sinabing dumadaan ito sa matinding stress at anxiety.

Pinabulaanan niya na binantaan niya ang buhay ng kaniyang mga kaanak at kasamahan sa trabaho.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay boluntaryong nagpasailalim sa mental health treatment matapos na maapekuthan sa pagkakasakit ng kaniyang ama.