Britney Spears
Britney Spears/ FB photo

Posibleng hindi magbabalik sa pagkanta at paggawa ng mga concerts si Britney Spears.

Sinabi ng kaniyang long-time manager na si Larry Rudolph, ito ay dahil hindi pa mentally at physically ready na bumalik sa paggawa ng mga show.

Magugunitang pumasok sa mental health facility ang singer matapos ang labis na naapektuhan ng magkasakit ang kaniyang ama.

Dahil sa pangyayari ay kinansela ang show nito sa Las Vegas.

Sinabi pa ni Rudolph na kapag 100 porsyento na itong handa ay maaari na siyang makabalik sa pagkanta at paggawa ng mga concerts.