Humingi ng paumanhin ang pop star na si Rita Ora dahil sa paglabag nito sa COVID-19 restrictions ng United Kingdom.

Hindi kasi ito nag-self-isolate matapos ang biyahe niya sa Egypt.

Nagtungo ang 30-anyos na pop star sa Egypt noong Nobyembre 21 para sa isang private performance.

Sa halip na mag-quarantine ng dalawang linggo ay nagsagawa pa ito ng party sa London na isang paglabag sa lockdown rules.

Dahil sa kaniyang ginawa ay handa itong magsagawa ng libreng concert para sa charity.

Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “I Will Never Let You Down”, ” Your Song” at “Let You Love Me”.