-- Advertisements --
Pinagbayad ng multa ng mga kapulisan sa United Kingdom (UK) si British Prime Minister Rishi Sunak.
Ito ay matapos ang pagkalat ng video na hindi nakasuot ng seatbealt sa loob ng umaandar ng sasakyan.
Ayon sa Lancashire Police na nabigyan nila ng ticket ang 42-anyos na Prime Minister.
Handa umano bayaran mula sa sariling bulsa ni Sunak.
Ang sinumang maaarestong walang seatbelt sa UK ay pagbabayaran ng multa ng £100 o katumbas ng $124.
Una ng humingi ng paumanhin si Sunak matapos punahin sa inilabas nitong video na walang suot na seatbelt habang nasa sasakyan.