-- Advertisements --
Mas pinili ng bagong British Prime Minister Rishi Sunak at pamilya nito na manirahan sa flat sa taas ng No.10 Downing Street.
Noong chancellor pa kasi si Sunak ni dating Prime Minister Boris Johnson ay doon na sila tumira.
Kasama niyang nanirahan doon ang asawa at dalawang anak na babae.
Kadalasan kasi ay naninirahan ang mga bagong Prime Minister sa mas malaking flat.
Paliwanag naman ng tagapagsalita ni Sunak ay masaya naman silang manirahan sa mas maliit na flat at sila ay kuntento na doon.