Nanindigan si British Prime Minister Theresa May na mahalaga na kausapin niya ang mga nasa oposisyon para maisakatuparan ang kaniyang Brexit o pagkalas ng United Kingdom sa European Union.

Iginiit nito na na magiging crucial ngayong linggo dahil sa nalalapit na ang deadline sa Brexit na itinakda sa Abril 12 kahit na sumulat na ito sa EU.

Nanindigan naman ang ilang mambabatas na nasa oposisyon at sinabing hindi sila magpapalinlang sa Prime Minister.

Magugunitang makailang ulit ng ibinasura ng mga mambabatas ang Brexit deal ni May at nanawagan sila ng extension hanggang makagawa sila ng bagong kasunduan.