Malugod na tinatanggap ng Department of Foreign Affairs ng ang pagbisita ng British Foreign Secretary na si James Spencer Cleverly’s bukas, Agosto 29.
Magpupulong sina Foreign Affairs Secretary Enrique A. Manalo at Foreign Secretary James Cleverly upang pag-usapan ang bilateral cooperation ng PH-UK at magpalitan ng mga opinyon sa mga matitinding isyu sa rehiyon.
Ito ay kasunod ng kanilang bilateral meeting sa sideline ng ASEAN Ministerial Meeting sa Jakarta noong Hulyo.
Sa isang araw na pagbisita nito sa Maynila, makikipag-usap din ang British Foreign Secretary sa iba pang matataas na opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang pagbisita ni Foreign Secretary Cleverly ay ang unang pagkakataon mula noong 2016 na ang isang British Foreign Secretary ay tumuntong sa ating bansa.
Inaasahang ang pagbisita ni Cleverly ay muling pagtitibayin ang ugnayan ng PH-UK at ipakita ang kapwa malakas na kooperasyon sa pagitan ng dalawang pamahalaan, alinsunod sa PH-UK Enhanced Partnership na inilunsad noong Nobyembre 2021.
Una nang ipinagdiwang ng Pilipinas at United Kingdom ang kanilang ika-77 anibersaryo ng diplomatikong relasyon noong Hulyo 4, 2023.