-- Advertisements --

Inanunsiyo ni dating British light welterweight world champion Amir Khan na ito ay magreretiro na.

Sinabi ng 35-anyos na boksingero na panahon na para magpahinga sa boxing.

Labis ito ng nagpasalamat dahil sa magandang career nito sa loob ng 27 taon.

Noong 17-anyos pa lamang ito ay nagwagi na siya ng silver medal sa 2004 Athens Olympics.

Nagwagi ito ng WBA light-welter belt ng talunin si Ukrainian Andriy Kotelnyk noong 2009 at noong 2011 ay tinalo niya si Zab Judah ng US para makuha ang IBF title.

-- Advertisement --

Mayroong kabuuang record na 34 panalo at anim na talo.
Huling laban nito ng matalo siya kay Kell Brook noong Pebrero.