-- Advertisements --
Tinanghal ng United Nations refugee agency ang British actor na si Theo James bilang global goodwill ambassador.
Mula pa kasi noong 2016 ay suportado na ng actor ang UNHCR.
Bumiyahe na rin ito sa Greece, France at Jordan kung saan nakasalamuha nito ang mga asylum seeker at refugees.
Sinabi nito na ang karanasan ng kaniyang pamilya kaya binigyan niya ng halaga ang nasabing sakripisyo na kinakaharap ng mga refugees.
Noong World War 2 kasi ng kaniyang lolo ay napilitang lumayag lulan ng maliit na bangka mula Greece patungong Syria at siya ay tinanggap ng mga tao sa Syria.
Nakilala ang actor sa mga tv series na “The Gentlemen” at “The White Lotus”.